Saturday, April 4, 2026

TALABA IHAW-IHAW SA ALAMINOS CITY, GAGANAPIN SA MARCH 6

Bahagi ng pagdiriwang ng Hundred Islands Festival 2026 ang isang masayang Talaba Ihaw-Ihaw Activity na isasagawa sa Marso 6, 2026, alas-4:00 ng hapon sa Central Business District ng lungsod. Ang gawaing ito ay inihahandog hindi lamang bilang tampok na aktibidad ng pista kundi bilang konkretong suporta rin sa ating mga lokal na magsasaka at mangingisda.

Inaanyayahan ang mga indibidwal, grupo, at negosyo na maging bahagi ng aktibidad bilang sponsor. Sa halagang ₱2,000.00, may nakahandang dalawang tiklis ng sariwang talaba kasama ang kumpletong gamit sa pag-iihaw tulad ng grill na may uling, tong, paypay, at bilao.

Maaaring magpatala o magpa-reserve sa City Cooperatives Development Office o sa City Agriculture Office hanggang Marso 3, 2026. Para sa iba pang katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa numerong 0947-383-4811. Hinihikayat ang lahat na makiisa sa selebrasyong ito na nagtatampok ng lokal na produkto at sama-samang pagtutulungan para sa komunidad.

Facebook Comments