Inihayag ng pamunuan ng Department of Education o DepEd na nagsagawa sila ng school health campaigns sa labing-anim na school divisions sa National Capital Region o NCR.
Kabilang sa programa ang pagturo ng tamang paghugas ng kamay at mga preventive measures.
Kasama din dito ang pamamahagi ng disposable face mask sa lahat ng pampublikong paaralan sa Manila.
Nabigyan din ng mga hand sanitizer, alcohol at infrared forehead thermometer ang pampublikong paaralan ng Pasig, Valenzuela, Caloocan at iba pang 106 Schools sa Manila.
Ayon sa kalihim ng pang-edukasyon ang nasabing mga gamit ay libreng ibinigay ng mga katuwang na mga lokal na gobyerno at non-government organization.
Sinabi rin niya na ito ay pinangunahan ng School Health Divisions Personnel bilang bahagi ng DepEd sa pagpigil ng pagkalat ng 2019 novel coronavirus-Acute Respiratory Disease o 2019 nCoV-ARD sa bansa.