SCHOOL ON THE AIR: "Palay Aralan Makabagong Pagsasaka sa Himpapawid, Inilunsad ng DA Region 2

Cauayan City, Isabela- Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) katuwang ang Agriculture Training Institute RTC 02, Department of Agriculture Regional Field Office No. 02, Philippine Rice Research Institute Isabela, partner agencies, state colleges and universities, local government units at local radio stations ang School on the Air on Smart Rice Agriculture sa Cagayan Valley.

Target ng programa ang 3,000 enrollees mula sa mga bayan ng lalawigan ng Nueva Vizcaya at Quirino sa ilalim ng School on the Air (SOA) o ang “Palay Aralan Makabagong Pagsasaka sa Himpapawid”

Layunin ng programa ang maituro ang modern technologies on rice production kung saan mapapalawak pa ang farmers productivity.


Kasabay nito ay ginawa rin ang virtual signing ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng mga pinuno ng ahensiya gaya ng ATI RTC 02, DA RFO 02, PCIC Region 02, NIA Region 02, NIA-MARIIS, Presidents of Nueva Vizcaya State University, Quirino State University maging mga local chief executive’s ng Provincial at Municipal LGUs dalawang lalawigan.

Limang (5) local radio stations ang paggagamitan sa pag-ere ng programa hindi lamang sa Nueva Vizcaya at Quirino kundi sa buong rehiyon.

Maipapalabas rin ito sa social media pages ng ATI RTC 02 and DA RFO 02 para sa mas mapalawak pa ang maaaring makinabang sa programa.

Facebook Comments