School-On-The-Air, pantapat ng DA sa gitna ng pandemya

Umaarangkada na ngayon ang ‘School-On-The-Air’ program ng Department of Agriculture (DA) na may layong bigyan ng makabagong impormasyon at makabagong pamamaraan ng pagsasaka.

Kasabay ito ng pagtanggap ni Agriculture Secretary William Dar sa manual o libro mula sa National Technical Working Group ng Smart Rice Agriculture na naglalaman ng mga step-by-step guide kung papaanong ipatutupad ang makabagong pagsasaka sa pamamagitan ng himpapawid.

Balak ng kagawaran na kuning partners ang mga radio station sa bansa para maihatid ang epektibong istilo ng pagsasaka.


Aminado si Secretary Dar na malaki ang epekto ng pandemya sa agrikultura kung kaya’t dapat makapagbigay ng bagong impormasyon sa taumbayan.

Ngayong nakakaranas ng epidemya ang mundo, mainam na palakasin naman ang food security ng bansa para matiyak na mayroong sapat na pagkain ang publiko.

Facebook Comments