Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na aprubado na ang pagbubukas ng klase sa mga paaralan sa darating na Agosto 24.
Ito ay matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang Basic Education Learning Continuity Plan ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay Roque, maaari na ring magbukas ang mga pribadong paaralan ng klase sa Hunyo ngunit hindi papayagan ang face-to-face na klase hanggang sa Agosto 24.
Kasunod nito, nilinaw din na hindi pa tiyak ng IATF kung magiging pangkalahatan na ang desisyon dahil hindi pa naman anila tiyak kung wala na sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang ilang mga lugar bago magsimula ang eskwela.
Facebook Comments