Inilatag na ng Department of Education ang school calendar para sa School Year 2022-2023.
Batay sa DepEd Order Number 34 series of 2022 na nilagdaan ni Vice president at DepEd Sec. Sara Duterte, pormal na sisimulan ang pagbubukas ng klase sa pampublikong mga paaralan sa August 22, 2022.
Sa inilatag na school calendar ng DepEd, aabot sa 203 ang school days o araw ng pasok ng mga bata na tatagal hanggang July 7, 2023.
Itinakda naman ang enrollment sa July 25, 2022 hanggang sa August 22, 2022.
Nakasaad din sa EO na ang mga paaralan na dati nang nagpatupad ng face to face classes ay magpapatuloy habang ang mga hindi pa handa ay blended learning muna ang gagawin.
Sisimulan naman ang full implementation ng face to face sa Nov. 2, 2022
Facebook Comments