Schools Division Office-Cauayan, Inaming May Kakulangan sa Guro!

Cauayan City, Isabela- Kasabay ng pagbubukas ng klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa lungsod ng cauayan ang kakulangan pa rin ng mga guro ang nakikitang problema ng Schools Division Office- Cauayan sa kanilang ginawang pag iikot sa unang araw ng pasukan, June, 3, 2019.

Ayon kay Dr.Gilbert N.Tong, Schools Division Superintendent ng SDO Cauayan, may kakulangan pa rin sa mga guro sa ilang paaralan sa lungsod.

Batay sa pagtala ng SDO-Cauayan ay nasa mahigit 6 ang kinakailangang guro para sa Junior at Senior High School habang nasa 5 guro naman para sa elementarya.


Inaasahan naman ni Dr. Tong na mapapadali ang pagkumpirma ng DepED Central Office upang maideploy na ang mga ito sa mga paaralan na kinakailangan ng karagdagang guro.

Nagpapasalamat naman si Dr. Tong sa lahat ng mga guro sa kanilang dedikasyon sa pagtuturo.

Muli namang nagpaalala si Dr. Tong kaugnay sa direktiba ng DepED na “No Collection Policy” sa lahat ng pampublikong paaralan sa lungsod.

Facebook Comments