Manila, Philippines – Pumayag ang Sanofi Pasteur na akuin ang gastos at danyos ng mga batang mapatutunayang nagkasakit o namatay dahil sa Dengvaxia.
Sa pagdinig ng senado, sinabi ng representative ng Sanofi na si Thomas Triomphe na sasagutin nila ang gastos sa maitatalang Dengvaxia cases basta’t mayroong scientific evidence.
Iginiit naman ni dating Health Sec. Enrique Ona na hindi niya inirekomenda ang paggamit ng Dengvaxia.
Itinaggi rin nyang magkasama sila ni dating Pangulong Noynoy Aquino na nakipagpulong sa Sanofi noong November 2014 sa Beijing China.
Sinabi naman ni Dr. Mary Ann Lansang, member ng national expert panel, masusing pag-aaral sa tissue ng mga nasawi ang kailangang gawin para matukoy kung Dengvaxia ba dahilan ng pagkamatay nito o hindi.