NAGKAMALI?| Dating Pangulong Noynoy Aquino, nilinaw na hindi niya kasama si dating Health Sec. Enrique Ona sa pagpupulong nito sa mga opisyal ng Sanofi Pasteur

Manila, Philippines – Inamin ni dating Pangulong Noynoy Aquino na isang kamalian ang nauna niyang pahayag na kasama si dating Health Secretary Enrique Ona sa pulong nila sa mga opisyal ng Sanofi Pasteur sa Beijing, China, noong Nobyembre 2014.

Sa senate blue ribbon committee hearing noong Disyembre 2017, sinabi ni Aquino na nagkaroon ng briefing sa pagitan nila ni Ona na nandoon sa pulong.

Ayon kay Aquino, bagaman mayroon silang mga record ay hindi maiiwasang magkamali lalo’t may mga isyu ng kinakaharap noon si ona hinggil sa kanyang kalusugan.


Imposible aniyang matandaan niya lahat ng kanyang ginawa sa bawat araw sa nakalipas na anim na taon.

Facebook Comments