Scientist, nahawaan ng unggoy ng nakamamatay na virus

Isang Japanese lab worker ang napaulat na napasahan ng herpes B virus, o nakamamatay na karamdaman mula sa unggoy.

Nagsasagawa ng pag-aaral sa macaque monkeys upang bumuo ng gamot ang hindi pinangalanang scientis malapit sa Kagoshima City nang magkasakit, ayon sa NHK Japan.

Idineklarang kritikal ang kondisyon nito noong Biyernes matapos makaranas ng pananakit ng ulo at lagnat.


Hindi pa malinaw kung paano nahawa ang scientist, ngunit sa ibang kaso, nakukuha ang virus kapag nakagat o nakalmot ng unggoy.

Sa buong mundo, 50 kaso lamang ng herpes B sa tao ang naitatala sa loob ng halos 90 taon.

Ito naman ang unang beses na may nahawa sa Jaoan, ayon sa ulat.

Nagdudulot ng pamamaga sa utak at spinal cord ang naturang virus na bagaman walang epekto sa mga unggoy ay nakamamatay naman para sa mga tao kung hindi maagapan.

Noong 1997, isang researcher ang namatay mula sa virus matapos matalsikan sa mata ng likido mula sa katawan ng unggoy.

Facebook Comments