
CAUAYAN CITY — Nakiisa ang Santiago City Police Office sa “People’s Agenda” Forum na ginanap sa Parish of Saint James the Apostle sa Barangay Centro West, Santiago City, sa pangunguna ni City Director Police Colonel Lucio Simangan.
Ang forum na may temang “People’s Agenda: Isinusulong ng Sambayanan 2025–2028” ay isang civic engagement forum na inorganisa ng Santiago Ecumenical Group, na binubuo ng Episcopal Diocese of Santiago, Iglesia Filipina Independiente, Roman Catholic Church, at United Methodist Church.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga tumatakbong alkalde at bise alkalde sa lungsod, pati na rin ni Atty. Jenny May G. Gutierrez, City Election Officer IV ng Commission on Elections (COMELEC).
Layunin ng forum na magbigay ng plataporma para sa bukas na diyalogo sa pagitan ng simbahan, mga botante, at mga aspiring public officials upang talakayin ang mga pangunahing isyu na kinakaharap ng komunidad bilang paghahanda sa nalalapit na National and Local Elections sa 2025.