SDO Cauayan City, Aarangkada na sa Pagbubukas ng Klase; Target Enrollees, 100% na

Cauayan City, Isabela- Naipamahagi na ang mga aklat na gagamitin ng mga mag-aaral sa Lungsod ng Cauayan para sa pagbubukas ng ‘new normal’ class sa darating na Agosto 24.

Ayon kay Schools Division Superintendent Dr. Alfredo Gumaru, susunod na ipapamahagi ang mga module na gagamitin ng estudyante na kasalukuyan ang pag-iimprenta sa mga ito habang papalapit ang pasukan.

Bagama’t may mga natapos ng naimprentang module ay kanila na itong nasimulan na naipamahagi sa ilang paaralan sa lungsod.


Inihayag naman ni Dr. Gumaru ang kanyang opinyon sa hiling ng nakararaming magulang ang pagpapaliban sa klase sa nakatakdang petsa ngunit posible naman aniya ito sa mga lugar na may kakulangan o hindi pa masasabing handa para sa pagbubukas ng klase.

Bukod dito,inihalimbawa din ng opisyal ang posibleng pagkatutok ng mga bata sa paggamit ng gadget kung hindi masisimulan ang klase habang may ilan din naman aniya ang gusto ng makapagsimula ng klase.

Umakyat naman sa target enrollees sa mga paaralan sa lungsod na pumelo sa 32,101 kung ikukumpara sa nakalipas na taon na 31,000 lamang.

Pinasalamatan naman ng opisyal ang himpilan ng iFM Cauayan dahil sa pagtulong ng mas progresibong pagpapatupad ng radio-based instruction sa papalapit na pasukan.

‘𝑺𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒕 𝒔𝒂 𝑰𝒇𝒎, 𝑰𝒅𝒐𝒍 𝒕𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂 𝒌𝒂𝒚𝒐 𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏… 𝒊𝒅𝒐𝒍 𝒌𝒂𝒚𝒐 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒓𝒂𝒍’ 𝒈𝒊𝒊𝒕 𝒏𝒊𝒚𝒂.

Facebook Comments