SEA Games: Cayetano, nag-sorry sa mga atletang nakaranas ng aberya

From Facebook/2019 SEA Games

Personal na humingi ng paumanhin si PHISGOC Chair at House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga atletang nakaranas ng aberya sa kanilang pagdating sa bansa mula pa noong Sabado.

Batay sa Facebook post ng SEA Games 2019, binisita ng mambabatas ang mga delegado mula sa Timor Leste, Cambodia, Myanmar, at Thailand at sinigurong handang-handa na ang Pilipinas para sa naturang paligsahan.

Ayon sa organisasyon, “all is well that ends well” ang nangyaring problema.


“He apologized for some inconveniences caused by the delayed transport and accommodation, but assured them that the Philippine hosting will be great and meaningful for everyone,” pahayag ng PHISGOC.

Nauna nang nag-sorry ang pamunuan dahil sa mga kakulangan at hindi magandang karanasan pagdating sa Pilipinas at designated hotel nila.

Pormal nang magbubukas ang 30th SEA Games sa darating na Sabado, Nobyembre 30 at tatagal hanggang Disyembre 11.

Facebook Comments