Sea Games hosting ng Pilipinas, iimbestigahan ng Ombudsman

Bumuo na ng 7-man panel ang Office of the Ombudsman para imbestigahan ang mga alegasyon kaugnay sa pagho-host ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games.

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, sakop ng imbestigasyon ang lahat ng ahensyang may papel sa pagho-host ng Biennial Meet.

Kasama rin sa iimbestigahan si Philippine Sea Games Organizing Committee (PHISGOC) Chairman, House Speaker Alan Peter Cayetano.


Wala namang itinakdang timeframe ang Ombudsman sa takbo ng imbestigasyon.

Nabatid na lumutang ang mga alegasyong katiwalian sa Sea Games nang magkaroon ng sunud-sunod na aberya sa pagdating ng mga delegado ng mga palaro.

Pinuna rin ang gastos sa mga itinayong pasilidad.

Facebook Comments