SEA Games: Women’s football teams, itlog, kikiam ang agahan

(Photo courtesy: Hali Long Facebook)

Bukod sa problemang hinarap sa matutuluyan ay malaking suliranin din ngayon para sa Philippine women’s national football team ang kanilang pagkain at tubig.

Ayon sa ulat, ang pambato ng bansa na Philippine Malditas ay nakakaranas umano ng kakulangan sa suplay ng pagkain.

Sa isang press conference, sinabi ni Let Dimzon, ang coach ng grupo, “I’m not sure kung paano ang arrangement ng Phisgoc, but the quality and quantity of food is not enough. Sa variety din, like for this morning, hindi enough ‘yung rice and kikiam and egg. Walang nutrients.”


Aniya, ito ay isa umanong international competition kaya kinakailangang natutugma raw ang kanilang ihahain para sa mga manlalaro.

“We’re the host country and it’s a bit disorganized. It feels bad for us,” giit niya.

Kaugnay nito, hindi lamang ang bansa ang naglabas ng saloobin, maging ang bansang Cambodia at Vietnam ay hindi nasiyahan sa nangyayari.

Ibinahagi ni Malaysia coach Joceph Jacob at Vietnam coach Mai Duc Chung na tinapay at ilang piraso ng itlog lamang ang kinakain nila bilang agahan.

Hiling raw nila na magkaroon ng pagbabago pagdating sa pagpili ng ipapakain dahil malaking paligsahan umano ito.

Para naman kay coach Chung, sana raw ay mga police escorts na gagabay sa kanila para hindi na umano sila maghintay pa ng bus.

“I request to bring more food and escort. We wait for more than one hour for training,” aniya.

Ayon naman kay Philippine Football Federation president Mariano “Nonong” Araneta, ginagawa na nila ang lahat para maisaayos ang mga anumalya.

“All the preparations of the team will only go to waste if their situation is not ideal during the actual tournament. We had to act on it quickly,” saad niya.

Magaganap naman ang laban sa pagitan ng Pilipinas at Myanmar ngayong Martes, 4:oo pm sa Biñan, Laguna.

Facebook Comments