PDEA chief, suportado ang gagawing rebelasyon ni Robredo sa war on drugs

Manila, Philippines – Suportado ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino si Vice President Leni Robredo ang balak nito na isapubliko ang kanyang mga natuklasan sa giyera kontra sa iligal na droga ng administrasyong Duterte.

Sa isang statement, hinimok ni Aquino ang Bise Presidente na isiwalat ang kaniyang mga nakuhang kaalaman.

Naniniwala ang PDEA  na anuman ang isisiwalat ni Robredo ay makakatulong ito sa PDEA para mapahusay at mapalawak pa ang anti-illegal drug campaign nito.


Ginawaw ng Bise Presidente ang pahayag matapos siyang sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chairperson ng ICAD.

Facebook Comments