Kasama sa mga nanguna upang pakawalan ang pawikan sina Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan, Community Environment and Natural Resources Officer (CENRO) Joselito Razon, at iba pang technical staff.
Ayon kay Razon, Nobyembre noong nakaraang taon ng matagpuan ang isang female Olive ridley turtle ng isang mangingisda habang naglalakad ito sa gilid ng dagat.
Batay sa International Union for Conservation of Nature, ang Olive ridley turtle ay pinangangambahang maharap sa isang mapanganib na sitwasyon.
Kasabay nito ang panawagan naman ni Bambalan sa lokal na pamahalaan at komunidad sa mga coastal towns na protektahan at pangalagaan ang coastal at marine ecosystem.
Umapela rin ito sa publiko na ipagbigay alam sa DENR ang anumang aktibidad na labag sa batas na nakakaapekto sa marine turtles at lahat ng wildlife resources kasama ang kanilang mga tirahan.