Tumauini, Isabela – Isang seaman ang nagsuko ng kanyang baril sa Tumauini PNP Station bandang umaga ng Nobyembre 22, 2017.
Ito ay bilang tugon sa Oplan Katok ng Tumauini PNP na pinangunahan mismo ni PCI Noel C. Magbitang, ang bagong hepe ng naturang bayan.
Sa panayam ng RMN News Cauayan kay PCI Magbitang, hepe ng naturang bayan, si Ginoong Emmanuel Mogarte, 42 anyos at isang seaman ay sinamahan ng isang kagawad na si Leon Baquiran na kapwa residente ng Barangay, Compania, Tumauini, Isabela sa PNP station upang ipasakamay sa kapulisan ang kanyang baril.
Ang isinukong baril na may kasamang magazine ay isang Tanfoguio model MAP1 PSB na may serial number na AB70234. Ang baril ay napag alamang may lisensiya ngunit paso na noon pang 2014.
Ikinasa ang oplan katok ng PNP Tumauini upang mamawasan ang mga baril na puedeng magamit sa indiscriminate firing sa panahon ng pasko at bagong taon.
Samantala, sa tanong ng RMN News tungkol sa posibleng pagpapanumbalik ng kampanya laban sa droga sa kamay ng kapulisan ay sinabi ni PCI Noel Magbitang na kung halimbawang ganun ang pahayag ng pangulo ay normal susunod sila sa utos ng presidente.
Sinabi pa na marahil ay may rason kung bakit naiisip ng pangulo na muling tawagin ang PNP para labanan ang droga at sa panig nila ay seryoso din naman sila sa naturang bagay dahil ang droga ay madalas kakonekta ng mga nangyayaring krimen na pangunahing inaalintana ng PNP.