Seaman, Patay Matapos Malunod!

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang seaman matapos itong malunod sa ilog Magat sa Brgy Culing East, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Gian Andres, 27 anyos, binata at residente ng Brgy. Sampaloc, Cabatuan, Isabela.

Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), habang nagpipicnic at nag-iinuman sa tabing ilog ang biktima at mga kaibigan nito ay nagdesisyon umano ang biktima na lumangoy at maligo sa ilog.


Makalipas ang ilang sandali ay napansin ng mga kaibigan ng biktima na nawawala ito kaya’t agad nila itong hinanap at ipinaabot sa kinauukulan.

Nirespondehan naman ito ng kapulisan kasama ang Rescue hanggang sa narekober ang katawan ng biktima.

Isinugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.

Facebook Comments