Ibinunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ginagamit na rin ng mga sindikato ng droga ang mga seaplane para makapagpuslit ng ilegal na droga sa Pilipinas.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino – isang insider mula sa isang drug syndicate ang nagbigay sa kanilang impormasyon.
Sinabi ng impormante, isang seaplane ang ginamit noong 2008 para makapag-smuggle ng nasa kalahating toneladang shabu sa Palawan.
Ibinaba nila ang mga droga sa dagat saka sila gumamit ng beacon o ilaw para mahanap ang mga ito.
Pangamba ni Aquino na posibleng ginagawa pa rin ito ng mga sindikato hanggang ngayon.
Inalerto na ng PDEA ang Philippine Coast Guard (PCG), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at iba pang ahensya ng gobyerno.
Facebook Comments