Nagpapatuloy ngayong araw ang search and rescue operations sa ilang barangay sa Baybay City sa Leyte na tinabunan ng landslide dahil sa paghagupit ng Bagyong Agaton.
Sinabi ito ni Office of the Civil Defense Regional Office 8 Director Lord Byron Torrecarion sa panayam ng RMN Manila matapos suspindehin kahapon ang search, rescue and recovery operations dahil sa panganib na dala ng pag-uulan magdamag.
Ayon kay Torrecarion, mula sa 10 barangay na apektado ng pagguho ng lupa ay nagpokus na lamang sila sa apat na barangay na apektado ng landslide.
Kabilang sa barangay na patuloy pa rin ang search, rescue at recovery operation ay ang Can-ipa, Kantagnos, Bunga, at Mailhi.
Samantala, itinigil din ang rescue operations sa Abuyog, Leyte kahapon dahil sa banta ng panibagong landslide.