Bilang ng nasawi sa Eastern Visayas dahil sa Bagyong Agaton, nasa 54 na ayon sa PNP Region 8

Umakyat na sa 54 ang naitalang casualties ng Philippine National Police (PNP) Region 8 sa Eastern Visayas dahil sa pananalasa ng Bagyong Agaton.

Sa panayam ng RMN Manila kay Police Regional Office (PRO) 8 Regional Director Police Brigadier General Bernard Banac, sinabi nito na 53 dito ay mula sa Leyte habang isa ang naitala sa Samar.

Ayon kay Banac, patuloy pa rin ang paglilikas ng kapulisan sa mga residenteng na stranded sa kanilang mga kabahayan.


Samantala, sa datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ay aabot sa 43 ang kumpirmadong patay habang pito ang pinaghahanap pa rin dahil sa pananalasa ng Bagyong Agaton.

Facebook Comments