Search and rescue operation sa nasunog na barko sa Dapitan, itinigil na

67

Zamboanga del Norte – Inihinto na ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ang search and rescue operation sa nasunog na Lite Ferry 16 sa Dapitan, Zamboanga del Norte.

Nagpaabot na ng tulong pinansyal ang may-ari ng shipping company sa mga kaanak ng tatlong namatay.

Ayon kay Jun Lim, may-ari ng Lite Ferries, sususpendihin din ang kapitan ng barko at iimbestigahan ang 22 tripulante.

Iginiit ng PCG na walang overloading dahil nasa 317 ang kapasidad ng barko.

Facebook Comments