Negatibong epekto ng pagsasampa ng kasong graft sa ilang opisyal, ikinababahala ng PhilHealth

Manila, Philippines – Nababahala ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa posibleng negatibong epekto ng pagsasampa ng kasong graft laban sa mga opisyal nito na sangkot sa Wellmed Dialysis scam.

Ayon sa PhilHealth, puspusan na ang pag-iimbestiga ng National Bureau of Investigation (NBI) sa iregularidad.

Tiniyak ng PhilHealth na babantayan nila ang pag-usad ng kaso at makikipagtulungan sa imbestigasyon.


Sinabi naman ni DOH Secretary Francisco Duque III na pabibilisin nila ang reporma sa IT ng PhilHealth upang maiwasan ang mga fraudulent claims at iba pang uri ng cybercrime.

Una nang naghain ang NBI ng criminal charges laban sa 21 PhilHealth officials na inakusahang dawit sa multi-million pesos scam.

Facebook Comments