Tuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operations ng Armed Forces of Philippines’ Northern (AFP NOLCOM) and Southern Luzon Command (AFP SOLCOM) para hanapin ang 16 pang nawawala bunsod ng Bagyong Ulysses.
Ayon kay AFP Spokesperson Major Gen. Edgard Arevalo, hanggang sa mga oras na ito ay may mga hinahanap pa rin ang NOLCOM na mga nawawalang residente sa Banaue, Ifugao.
Habang nagtakda naman ang SOLCOM ng petsa para ipagpatuloy ang paghahanap sa mga nawawalang mangingisda.
Samantala, ang iba namang pwersa ng AFP ay tumulong na sa pagsasagawa ng rehabilitasyon at relief operations sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.
Sa ngayon, umabot na sa 64 na katawan ang narekober ng AFP habang nasa 276,885 na ang na-rescue at 45 naman ang naitalang sugatan.