Bagong U.S. President Joe Biden, suportado ng grupong FFW

96

Nagpa-abot ng pagbati ang grupong Federation of Free Workers (FFW) sa bagong pangulo ng Amerika na ni US President Joe Biden.

Ayon kay FFW President Atty. Sonny Matula, nakiisa ang kanilang grupo sa mga manggagawa sa Estados Unidos sa pagbibigay ng pagsuporta sa bagong talagang pangulo ng Amerika kung saan tututukan umano ni Biden ang problema sa climate change at basic human and trade union rights.


Paliwanag ni Atty. Matula, si US President Biden umano ay habangbuhay na sumusuporta sa kapakanan ng mga manggagawa at sa buong career nito ay ipinaglalaban ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa, problema sa kalusugan, retirement security and civil rights ng mga worker.

Umaasa si Atty. Matula na ang kapakanan ng mga manggagawa sa Amerika ang magiging prayuridad ng bagong pangulo ng bansa.

Facebook Comments