Search and retrieval operation sa pinaslang na alkalde ng Bien Unido, Bohol, nirekomenda nang tapusin ng mga otoridad

Cebu City, Philippines- Inirekomendar na ng Lapu-Lapu City Police Office o LCPO na tapusin na ang kanilang search and retrieval operation para sa mga labi ni Bien Unido, Bohol Mayor Gisela Boniel na diumanoy itinapon sa karagatan ng Lapu-Lapu .

Matapos ang labing apat na araw na paghahanap sa mga labi ng alkalde, nirekomendar ng hepe ng police station 4 ng Lapu-Lapu Jacinto Mandal na siya rin ang nangunguna sa diving team, na tapusin na ang search and retrieval operation dahil na-covered na nila ang area sa pagitan ng Caubian at Olango Island sa Lapu-Lapu, saan pinaniniwalaang itinapon ang alkalde .

Ayon kay Mandal, hindi na rin ila kayang abutin ang napakalalim na bahagi ng dagat dahil ang kanilang diving capability aabot lamang hanggang 200 feet .


Ngunit dagdag ng opisyal na maghihintay muna sila sa desisyon at order ng direktor ng Lapu-Lapu City Police at Police Regional Office-7 Director Noli Taliño.

Facebook Comments