SEARCH WARRANT OPERATION|Dalawang elected official sa Sarangani patay sa Search operation ng pulisya

General Santos City—Patay ang 1st Municipal Councilor ng bayan nga Kiamba, Sarangani Province na si Ronnie Mamaclay, habang patay din ang 1st Barangay Councilor ng barangay Poblacion, Kiamba na si Jojo Orobia, matapos nanlaban umano sa mga pulis kasabay ng isinagawang search Warrant Operation kaninang madaling araw.

Pinasok ng Tropa ng regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) at iba pang unit nga pulisya alas 3:00 ng umaga ang bahay ng dalawang target kung saan laman ng search warrant ay ang paglabag sa RA 9165 at RA 10591.

Nakuha sa bahay ng dalawang target ang mga baril at ilang sachet ng pinaniniwalaang shabu.


Dismayado naman si Kiamba Mayor Raul Martinez sa nasabing pangyayari. Hindi ito makapanilawa na nanlaban ang dalawang elected official sa mga pulis. Napag-alaman na kapartido ni Martinez si Councilor Mamaclay. Hindi rin ito kumbinsido na involved sa illegal drugs ang nasabing municipal councilor.

Samantala giiniit naman ng mga may bahay ng dalawa na hindi nanlaban ang kanilang mga mister bagkus nagulat nalang sila ng silay pinalabas sa kanilang bahay pagkatapos nakarinig sila ng sunod sunod na putok at doon na nila nalaman na patay na ang kanilang mga mister.

Hindi rin pagmamay-ari ng kanilang mga asawa ang baril at Shabu na nakuha sa kanilang bahay.

Facebook Comments