Pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) na dagdagan ng paunti-unti ang kapasidad ng mga pampublikong sasakyan kasunod ng pagpapaluwag ng quarantine restriction sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, pinag-aaralan ng ahensya kung papaano madagdagan ang kapasidad ng mga naturang sasakyan nang hindi naisasakripisyo ang mga health protocol.
Gayunman, nasa Inter-Agency Task Force (IATF) pa rin aniya ang huling desisyon kung papayagan ba ito.
Sa ngayon, ang mga pampublikong sasakyan sa NCR Plus areas ay 50% lamang ng kanilang kapasidad ang isinasakay.
Facebook Comments