Manila, Philippines – Saludo si Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa mga sundalo na patuloy na nakikipagbakbakan sa Marawi City.
Ito ay sa harap narin ng malaking bilang ng mga sundalo na napatay sa bakbakan dahil narin sa mahigit isang buwan na kaguluhan doon.
Ayon kay Andanar, ipinakikita ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang kanilang propesyonalimsmo habang ginagawa ang kanilang mga sinumpaang tungkulin.
Ipinakikita din aniya nito kung anong klaseng Commander in Chief si Pangulong Rodrigo Duterte dahil nnagpapakita ng mataas na pagrespeto sa karapatang pantao at pagsunod sa rule of law.
Tinyak din naman ni Andanar na hindi uubra sa administrasyong Duterte ang anomang klaseng paglabag sa karapatang pantao at pagabuso sa kapangyarihan habang umiiral ang batas militar sa Mindanao.
Umapela din naman si Andanar sa publiko na suportahan ang sandatahang lakas ng Pilipinas dahil malaki ang pagkakaiba ng ipinatutupad na martial law ng kasalukuyang administrasyon at sa ipinatupad na noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos.
Sec. Andanar, pinapurihan ang AFP at PNP
Facebook Comments