Sec. Año, pinayuhan ng doktor na mag-leave of absence

357

Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na naka-leave si Secretary Eduardo Año hanggang Enero 31, 2021.

Paliwanag ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, pinayuhan si Año ng kaniyang mga doktor na magpahinga muna, unahin ang kanyang kalusugan at sumailalim sa mga test.


Aniya, magmula nang maospital noong Agosto dahil sa COVID-19 ay patuloy pa rin sa pagtatrabaho si Año kahit Linggo at holiday.

Hahalili bilang officer-in-charge ng kagawaran si Undersecretary Bernardo Florece habang naka-leave ang kalihim.

Magugunitang noong nakaraang taon ay dalawang beses nagpositibo sa COVID-19 si Año.

Facebook Comments