Sec. Bello, nagsalita na matapos makasuhan sa Ombudsman

Manila, Philippines – Nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ligal ang mga lakad  niya sa ibang bansa.

Kung maalala sinampahan ni Adolfo Paglinawan ng kasong katiwalian si Bello dahil sa 40 trips niya abroad sa loob ng maikling panahon na nagkakahalaga ng 4 na milyong piso.

Bukod pa sa kasong treason matapos umanong makipagkita sa leader ng Communist Party of the Philippines na si Jose Maria Sison sa bansang Netherlands.


Ayon kay Bello, aprubado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng lakad niya sa ibang bansa.

Dagdag pa nito may mga nagsasalita kasi ng hindi inaalam muna ang katotohanan.

Nilinaw niya rin na kasama sa kanyang trabaho ang pagpunta sa ibang bansa para sa kapakanan ng mga OFWs.

Facebook Comments