Manila, Philippines – Tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III na magiging prayoridad ang mga naapektuhang manggagawa ng Hanjin Heavy Industries sa oras na magbukas ng operasyon ang naturang Korean Company.
Sa ginanap na dayalogo sa pagitan ng Kalihim at Union ng manggagawa nito, pinangako rin ni Bello na hihimukin ang bagong management ng Hanjin na iprayoridad ang mga dating manggagawa.
Ihahanap din aniya ng trabaho ang mga skilled worker na nawalan ng hanapbuhay dulot ng rehabilitasyon ng kompanya.
Kasabay nito ay umapela si Bello sa mga trabahador ng Hanjin magtiwala sa Pamahalaan dahil sila ay tiyak na muling maeempleyo lalo na aniya at mga highly skilled workers at kailangang-kailangan ang kanilang mga nalalaman.
Sa report ni DOLE Regional Office 3 Regional Director Ma. Zenaida Campita, karamihan sa mga manggagawa ng Hanjin ay highly skilled construction workers, welders na nagkakaedad ng mula 25 hanggang 40.