Sec. Briones, mag-iikot sa mga paaralan ngayong unang araw ng klase

Pinangunahan ni DepEd Secretary Leonor Briones ang pagbubukas ng unang klase dito sa Signal Village National High School Taguig City.

Pagpasok pa lang sa gateĀ  sasalubong na ang maindak na musika ng drum ang lyre ng nabanggit na paaralan para i-welcome ang mga estudyante guro at bisita.

Pagdating ni Secretary Briones, dumeretso na agad siya sa quadrangle para sa flag ceremony.


Nagpapasalamat si Briones sa oras at tulong ng bawat isa.

Partikular na ang mga guro, magulang, estudyante at iba pang sangay ng gobyerno na tumulong para sa paghahanda ng unang klase ngayong taon.

Taon-taon mas dumarami ang estudyante kaya at aniya lalo pa silang nagpupursige para makapagbigay ng quality accessible relevant and liberating basic education.

Nasa 10,000 ang estudyante sa Signal Village National High School at mamaya pupunta pa si Secretary Briones sa Comembo, Makati City.

Facebook Comments