Sec. Cimatu, ikinagalak ang maraming natatanggap na suporta para sa Manila Bay White Sands project

Nagpapasalamat si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa suportang natatanggap mula sa publiko para makita ang Manila Bay White Sands nitong weekend.

Ayon kay Cimatu, ikinalulugod din niyang pasalamatan si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagkilala sa mga hakbang ng Manila Bay Task Force na pinangungunahan ng DENR para linisin ang Baywalk Area at paglalatag ng artificial white sand sa beach.

“It is very encouraging and fulfilling to get positive feedbacks from the public, much more to receive a commendation from the President. For us, it is an affirmation that we did the right decision to pursue the beach nourishment project,” sabi ni Cimatu.


Naniniwala si Cimatu na mas maraming positibong pananaw ang kanilang nakukuha kaysa sa mga kritisismo hinggil sa beach nourishment project, na isang mahalagang bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program.

Ang pagdagsa ng mga tao sa lugar ay patunay na marami ang sumusuporta sa proyekto.

Ikinadismaya ng Kalihim ang pagbalewala ng madla sa physical distancing.

Sa ngayon, ang Manila Bay ay nasa second phase na ng rehabilitation.

Ang ikatlong phase ay ang pinakamahirap para kay Cimatu – ito ay baguhin ang ugali ng mga tao sa kalikasan.

Facebook Comments