Sec. Diokno, anak at kanyang in-laws, pormal nang inimbitahan ng Kamara kaugnay sa budget insertions

394

Manila, Philippines – Pormal nang inimbitahan ng House Committee on Rules si Budget Secretary Benjamin Diokno, anak niyang si Charlotte Justine at kanyang ‘in-laws’ na kapwa incorporators ng Aremar Construction.

Kaugnay ito ng gagawing pagbusisi ng mga kongresista sa umano ay iregularidad sa 2019 budget sa Enero 15.

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., pinadalhan din nila ng subpoena ang ilang senior officials ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Anti-Money Laundering Council, Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Budget and Management (DBM).

Magugunitang inakusahan ni Andaya si Diokno na nagsingit ng P75 bilyong halaga ng flood control projects sa pambansang budget nang hindi dumaan sa legal na proseso.

Facebook Comments