Sec. Duque, hindi kailangang magbitiw o magleave of absence ayon sa DOH

Hindi kailangang magbitiw sa pwesto o mag-leave of absence ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa gitna ng imbestigasyon ng Ombudsman.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahalaga ang isang lider na tulad ni Duque sa organisasyon at hindi dapat tanggalin sa pwesto ngayong nahaharap ang bansa sa health crisis.

Aniya, nakakapagbigay ng kumpiyansa ang kalihim sa mga tauhan ng DOH at sa gumagaling ang mga tao sa ilalim ng pamamahala nito.


Giit pa ni Vergeire, buo ang suporta ng mga kawani ng DOH kay Duque at para sa kanila ay dapat itong manatili sa posisyon.

Matatandaan Miyerkules nang iniutos ni Ombudsman Samuel Martires ang motu proprio investigation kay Duque at sa iba pang opisyal ng DOH dahil sa umano’y iregularidad sa pagtugon sa pandemya.

Facebook Comments