Hindi seryoso ang panibagong sakit ng Pangulong Duterte.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, sa katunayan ay malakas ang pangulo at walang dapat ikabahala sa ibinunyag nitong myasthenia gravis.
Ayon kay Duque, ang bagong sakit na binanggit ng pangulo ay dropping eye lid o ptosis ang technical term.
Hindi aniya ito seryoso at hindi makakasagabal sa productivity ng sinumang indibidwal na mayroong ganitong karamdaman tulad ng ni Pangulong Duterte.
Ang buerger’s disease naman aniya ng presidente ay hindi mapanganib bastat iwasan lamang nito ang paninigarilyo.
Facebook Comments