Sec. Galvez, nakiramay sa mga pamilya ng mga nasawi sa Cotabato blast

Nakiramay ang tanggapan ng Office of Presidential Adviser on the Peace Process o OPPAP sa pamilya ng mga nasawi at nasugatan sa nangyaring pagpapasabog sa harap ng isang mall sa Cotabato City.

Sa statement ni OPPAP Secretary Carlito Galvez Jr., nakasaad rito ang kanyang panalangin na sana ay agad maka-recover ang mga nasugatan sa insidente.

Kasabay nito ay hinikayat ni Galvez ang bawat isa na huwag magpakalat ng mga maling espekulasyon hinggil sa nangyari.


Giit nito na isolated case lamang ang insidente kasabay ng pagtiyak na on top of the situation ang security forces ng bansa.

Hinikayat rin nito ang publiko na magtiwala na mahuhuli at mapapanagot ang taong nasa likod ng pagtatanim at pagpapasabog ng bomba.

Kasabay ng pagkondena ay tinawag rin ni Galvez na kaduwagan ang pag-atake sa bisperas ng Bagong Taon.

Sa huli ay ang panawagan nito sa bawat isa na ipagpatuloy ang nasimulan na proseso tungo sa kapayapaan sa 2019.

Facebook Comments