Sec. Guevarra, kinumpirma na nagsumite na ng affidavit si ‘Bikoy’

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nagsumite na ng affidavit at mga ebidensya si Peter Joemel  Advincula alyas “Bikoy” sa Philippine National Police (PNP).

Kaugnay ito ng mga personalidad na nasa likod ng video na naglalaman daw ng paninira at nagdadawit sa pamilya Duterte sa illegal drug trade.

Ayon kay Secretary Guevarra, humingi na rin siya sa PNP ng kopya ng nasabing mga dokumento.


Bunga nito, sinabi ni Guevarra na maaari nang simulan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang imbestigasyon kaugnay ng mga ibinunyag ni Advincula.

Dahil sa kanyang pagsusumite ng affidavit, maaari na aniya nilang tanggapin ang aplikasyon ni “Bikoy” sa Witness Protection Program (WPP) ng DOJ at kanila itong pag-aaralan.

Sa ngayon, si “Bikoy” ay nasa protective custody ng PNP.

WATCH HERE: https://www.facebook.com/pnp.pio/videos/2452569438142355/

Facebook Comments