Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na naihain na ang arrest warrant laban kay alyas ‘Bikoy’ na siyang sinasabing nasa likod ng kontrobersyal na video na nagdadawit sa pamilya ni pangulong duterte sa ilegal na droga.
Ayon sa kalihim, inaresto na ng National Bureau of Investigation Cybercrime Division ang tao sa likod ng alyas ‘Bikoy’ videos.
Aniya ang pag-aresto ay ginawa ng NBI matapos madiskubre ng mga operatiba nito ang mga ebidensya na nag-uugnay sa naarestong personalidad at sa video.
Bagamat limitado ang impormasyon na ibinigay Ni guevarra sinabi naman nito na nagkaroon nang ugnayan ang Department of Justice (DOJ) Cybercrime Office at NBI kung saan tahimik nilang sinimulang imbestigahan ang source ng sinasabing ‘Ang Totoong Narco-list’ video.
Matatandaan naman na sangkot din si Bikoy at ang nasabing video sa inilabas na Oust Duterte matrix na inilabas ng Office of the President kay Manila Times’ Chairman Emeritus, Dr. Dante A. Ang.