Manila, Philippines – Dumipensa si bagong Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gringo Honasan sa pagkakatalaga sa kanya sa ahensya.
Sa ilalim ng DICT law, dapat may pitong taong karanasan sa Information and Communications Technology, IT Service and Security Management, Cyber Security, E-Commerce at Human Capital Development ang itatalagang kalihim.
Ayon kay Honasan – itinalaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ‘manager’ ng DICT.
Ang mandato sa kanya ng Pangulo, palawakin ang internet connectivity sa bansa.
Idinepensa rin siya ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
Naniniwala rin si DICT Undersecretary Eliseo Rio na malaki ang maitutulong ng management skills ni Honasan, na kanyang kinakapatid at minsang naging dating estudyante sa Philippine Military Academy (PMA).