Mismong si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. ang haharang sa pagpasok sa Pilipinas ni United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard at grupo nito, na hinusgahan na ang human rights situation sa Pilipinas.
Ito ang pahayag ni Locsin sa pagdinig ng Senate Finance Sub-Committee para sa budget ng DFA sa susunod na taon.
Ayon kay Locsin, hindi siya makikipagtulungan sa kanila.
“I will not cooperate with them,’’ ani Locsin.
“If I see them, I myself will block them from coming,’’ dagdag pa ng kalihim.
Matatandaang hinimok ni Callamard ang International Criminal Court (ICC) na tapusin ang preliminary investigation nito sa human rights situation sa Pilipinas at nanawagan sa UN member states na patawan ng sanctions ang ilang opisyal sa Pilipinas na sangkot sa human rights abuses.