Manila, Philippines – Ipinababalik ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin, ang donasyong ibinigay ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso.
Ang nasabing donasyon ay para sana sa 22 mangingisdang Pilipino na sakay ng F/B Gem-Ver 1 na binangga ng Chinese vessel sa Recto Bank sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Locsin, hindi maari na DFA ang mamahagi ng tseke ni Del Rosario lalo na ang pag turn-over sa ibang departamento dahil ito ay malversation.
Bukod dito pinasalamatan naman ni Locsin si Del Rosario pero mapipilitan pa rin siyang ibigay ang donasyon sa national treasury kung hindi ito maibabalik kay Del Rosario.
Ayon naman kay Del Rosario na maghahanap na lamang siya ng ibang tutulong para maipamahagi sa mga Pilipinong mangingisda ang kanyang donasyon.