Sec. Locsin, tatawagin ang Amerika sakaling atakihin ang Filipino vessel sa West Philippine Sea

Handang tawagin ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang Estados Unidos kapag inatake ang mga barko ng Pilipinas sa West Philippines Sea.

Ito ang pahayag ng kalihim sa gitna ng matinding pahayag ng China hinggil sa diplomatic protest na inihain ng Pilipinas noong nakaraang linggo.

Ayon kay Locsin, sakaling magkaroon ng pag-atake laban sa anumang Philippine vessel ay tatawagin niya ang Washington D.C.


Hindi na nagbigay pa ng detalye ang kalihim hinggil dito.

Naniniwala si Locsin na ang Republicans sa ilalim ng administrasyon ni US President Donald trump ay nakatulong sa Asya para igiit ang freedom of navigation at pagpapanatili ng kalayaan at soberenya ng bawat bansa.

Una nang sinabi ni US Secretary of State of Michael Pompeo na tutulong sila kapag inatake ang mga barko ng Pilipinas sa South China Sea, batay na rin sa Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Manila at Washington.

Facebook Comments