Isinumite na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Office of the President (OP) ang rekomendasyong hindi na palawigin pa ang martial law sa buong Mindanao.
Inanunsyo ito ni Lorenzana sa ginanap na forum ng Manila Overseas Press Club o MOPC sa Makati na pinangunahan ni Eric Canoy ang Presidente ng MOPC.
Ayon kay Lorenzana, nakabatay sa assessment ng military at police ang rekomendasyon walang extension ng martial law sa Mindanao.
Para kay Lorenzana nagawa na nila ang dapat gawin sa peace and order sa Mindanao kaya panahon na para ibalik sa normal ang sitwasyon sa rehiyon upang makahikayat ng mas maraming investors.
Kumpyansa sila na mapapanatili na ng militar at PNP ang peace and order sa buong Mindanao.
Taong 2017 ng isailalim sa batas militar ang lugar matapos ang ginawang pag-atake ng ISIS-inspired Maute Group sa Marawi City.
Mula noon ay tatlong beses ng napalawig ang Martial law sa lugar.