Sec. Lorenzana nasa maayos na kalagayan – Palasyo

Manila, Philippines – Itinanggi ng Malacañang na isinugod sa ospital si Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos itong ma-stroke.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kinumprima sa kaniya ni Lorenzana nasa ospital ito para sa executive check-up.

Aniya, mayroong biyahe sa labas ng bansa si Lorenzana kaya gusto nitong magpacheck-up bago umalis.


Pagtitiyak ni Panelo, walang dapat ipag-alala ang publiko sa kalagayan ni Lorenzana.

Facebook Comments