Sec. Lorenzana, tinawag na fake news ang ulat ng Gabriela na ginagahasa ng mga sundalo ang mga babae sa Marawi

Manila Philippines – Ikinokonsidera ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na fake news ang naging paratang ng Gabriela na ginagahasa ng mga sundalong nakikipag-sagupa sa maute terror group ang mga babae sa Marawi.

Paliwanag ni Lorenzana na ang kanyang unang batayan kaya nasabing ito ay fake news ay dahil sa hindi naghain ng pormal na reklamo ang gabriela laban sa mga sundalo sa halip sa media nila ipinarating ang kanilang paratang.

Pangalawa, sinabi ng kalihim na planado ng Gabriela ang paratang na ito sa pamamagitan ng pagdadala ng mga babae sa iligan para magpanggap na tumutulong sa mga evacuees pero ang totoo iniimpluwesyahan ng mga ito ang mga babaeng bakwit.


Pangatlo sinabi ni Lorenzana na bahagi lamang daw ito ng pagpapansin ng Gabriela para imbestigahan ng senado at kongreso.

Pang apat, nagtataka ang kalihim kung bakit ayaw pangalanan ng Gabriela ang mga babaeng nagrereklaamo ng panggagahasa laban sa mga sundalo na patunay na isang fake news.

Pang lima ayon pa kay Lorenzana na aniya’y nakakatawa ay dahil wala lamang daw maisip na reklamo ang Grabriela laban sa kanila kung kayat kung ano ano ang naiisip ng mga ito.

Seryoso aniya sya sa alegasyong ito laban sa mga sundalo kaya hindi sya magdadalawang isip na parusahan ang mga sundalong sangkot sa paratang na ito kung mapapatunayan ng Gabriela.

Facebook Comments