Sec. Manny Pinol ng Dept. Of Agriculture bumisita sa Surigao

Sec. Manny Pinol ng Dept. Of Agriculture bumisita sa Surigao. Ito’y matapos na nagsilbing Guest of Honor sa isinagawang Farmers Forum na kung saan isa-isa na tinalakay nito ang iba’t ibang isyu ng mga magsasaka at mangingisda. Nakatakdang ilulunsad nito sa bayan ng Malimono ang programang Production Loan Easy Access na kung saan ang mga magsasaka ay puwedeng maka-utang mula P10,000 hanggang P25,000 bilang pambili ng binhe, abono at pambayad sa mga tauhan para makapagtanim. Diumano’y ang pagbabayad ay hanggang 2 taon, sa interes na 6% at walang collateral. Ang pag-release ng pondo ay saloob ng 5 araw lamang. Tinukoy na ang bayan ng Malimono ang bibigyan ng P15 milyon at napili ito dahil sa may 90% poverty rate.

Sent from my iPhone

Facebook Comments