SEC, nagbabala laban sa kumakalat na investment scam

Manila, Philippines – Nagbabala ang Securities & Exchange Commission (SEC) sa publiko laban sa investment scam na kumakalat ngayon sa Zamboanga City.

Sa ipinalabas na advisory ng SEC, nakatanggap ng ulat ang enforcement & investor protection department ng komisyon mula sa Zamboanga kung saan may ilang indibidwal o grupo na nakabase sa Tungauan, Zamboanga Sibugay ang nag-aalok ng investment na bahagi umano ng programa ng pamahalaan.

Ayon pa sa ulat, ang initial investment o paunang puhunan na P15,000 ay magiging P150,000 sa sandali na ipatupad o maglabas ng pondo ang central bank.


Pinapayuhan ng SEC ang publiko na huwag mamuhunan sa ganitong uri ng investment scheme.

Babala pa ng ahensya na suriin munang maigi kung may mag-aalok na investment na may malaking tubo o yung “too good to be true” at alamin din kung rehistrado o may lisensya mula sa SEC.

Kung duda o hindi nakatitiyak sa investment offer, mas mabuting kumonsulta muna sa SEC.

Facebook Comments